Kinakailangan Bang Ika'y Kalimutan?
Marahil, iyun ang tamang hakbang
Aanhin pa ba ang ala-alang,
Hindi mo mapagtanto ang halaga?
Ikaw ba ay aking panaginip at ilusyon?
O Bangungut na hindi ko inasam?
Pareho! Panaginip at bangungot,
Bata'y kung saang anggulo titingnan.
Kailangan nga ba talaga kitang kalimutan?
Hindi kita gustong kalimutan.
At hindi iyun kakayanin sapagkat,
ang iyung ala-ala'y nakatatak na sa'kin panghabambuhay.
Ngunit kung dumarating ang mga sandaling
kailangang magpasya;
Masakit man, o imposible,
Sige, dapat na nga kitang Kalimutan, o Ala-ala.
Sa nagdaang mga taon,
Ika'y naging pasakit.
Kapit-kamay na aking mga tagumpay,
Pero ika'y nagseselos.
Ang gusto mo, aking ala-ala,
Wala akong makamit
sa dalawang naglalaban...
gusto mo, aking pagbagsak.
Ako'y nalinlang ng iyong pangako,
Pati pangako sa sarili'y aking iniwan;
Ako'y bumagsak, pilit bumabangot,
Pero hinihila mo, aking ala-ala.
Kaya't sa araw na ito,
Ginagawa kong opisyal,
Ang paglimut sa'yo,
At hindi ito masakit.
Ano ba ang mangarap ng matayog?
Kung ikaw ay nagseselos?
Paano ko mapagbubuti ang pananalapi,
Kung ikaw ay nasa gunita?
Kaya't kinakailangan ang paglimut.
Hindi lamang ito basta pag-alis sa isip,
Kundi ang buong pusong pasya,
Ng Paglihis ng ating mga landas.
Aking ala-ala, maraming oras aking sinayang;
Inalagaan kita, ngunit pabigat ka lang pala.
Hindi ko hinihingi ang pang-unawa mo,
At hindi mo rin ako inunawa.
At kalimutan mo ng ika'y naging bahagi
ng Aking Gunita.
Tanawin mo na lang ako sa hinaharap,
Matayog ang magiging lipad ko.
Literal o ispiritwal na mansyon,
sana's aking maipatayo;
Posible pa lang makamit,
Ng Dahil sa iyong paglisan.
No comments:
Post a Comment